share ko lang po..
Nung lunes, kalalabas ko lang ng Norkis sa Parian. Bago ko lapitan ung motor ko na naka-parada sa hanay ng mga naka-parada din na mga motor at mga naka-display, nag-yosi muna ko bandang tagiliran.
May dumating na naka-Honda Beat na white, pink side mirror, WO ang end plate, may back-ride, and parehas naka-jacket plus backpack at helmet na walang tint. Kala ko may hinahanap na tao sa area, pero napansin ko na tipo yata ung sakin, sinipat nung back-ride ung susian, then hindi yata nakuntento..nilapitan pa ung unahan, tingin lang, pero parang sinisipat ung disc sa unahan. May naka-lagay na pad-lock, then parang sumilip sa bandang salamin ng Norkis. Then nag-usap sila.
After nun, lumipat ung dalawa sa kabilang Tindahan. Ganun din ang ginawa. Then another uli.
Nung time na yun, bandang 1 PM, kaya todong sikat ang araw, wala gaanong naglalakad, and ung mga customers nasa loob ng building, aircon, eh.
After nun, lumabas ung tatlong empleyado ng Norkis, napansin din daw nila ung naka-Beat, in which last week lang daw pala ay nayarian sila ng dalawang MC, ung isa daw ay X1 ng customer din.
Then napansin ko rin na wala pala silang Security guard or CCTV man lang, in which ung katabi nilang medyo hindi kalakihang Dealer ay meron.
Bago po tayo pumarada, or bago po tayo sumakay sa MC natin, maging alerto at mapag-matyag.
INGAT PO TAYO LAGI.