Welcome To Laguna Moto Club!
Enjoy Posting & Ride Safe!!!


Welcome To Laguna Moto Club!
Enjoy Posting & Ride Safe!!!

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Log in

Masamang balita

power_settings_newLogin to reply

20110721
Masamang balita

Ganito magbigay ng masamang balita


KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung
katiwala niyo sa
bahay-bakasyunan niyo."
"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May
problema ba?
"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na
namatay ang alaga niyong parrot."
"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa
bird show?
"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."
"Putris . sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa
ibong 'yon. Hay,buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay
niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."
"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang
nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"
"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay
na kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"
"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir.
Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng
kariton ng tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng
tubbbiiiiggggg?"
"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi
mo?"
"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po
'yung isang
nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at
mabilis na
kumalat ang apoy...."
"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa
bahay-bakasyunan, a.Parasaan 'yung kandila?"
"Para sa burol po."
"Ano? Kaninong burol?
"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito
nu'ng isang gabi,walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi
na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."

So ngyon alam nyo na ha.... ; )

Comments

G
Hahaha !!!!
Wesley_Martin
nak ng tokwa!
allan19
hahahahaha ang kulit ng kwento mo.
Very Happy
syk_glen24
grabe... napa tawa mo ko RD,
driedmango
lol!
santy
napalabas nga yan sa bubble gang eh, ANG KULETTTT TALAGA hehehehehe lol!
santy
kahit luma na, talagang kuwela nakaisip niyan ahihihihihi lol!
ms. lee
Putragis ka labidudes!!! lol!lol!lol!
bof
cooletz! lol!
BikerRYU21
Lupet ng balitang yan.lol!
power_settings_newLogin to reply
privacy_tip Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum