Napapansin niyo bang hindi maganda ang takbo ng inyong motor kung pababa ng lansangan o dumadaan sa kurbadong daan? huminto habang maaga pa,i check muna ang gulong kung flat o kung hindi maayos ang pag-adjust sa suspension,bago kayo magpatuloy sa biyahe!
Mas comportable ang ride kung tamang pressure ng hangin sa gulong. Pagkatapos ko kasi magpavulcanize diretso andar sa pagmamadali. Sobrang tagtag eh kaya pala 52psi ang kinarga. Nakakaasar pa kasi nung sinundot ko pito para magbawas ng hangin saka ko lang naalala na may laway pala yun....
Kung kayo ay gumagamit ng chain drivetrain o kadena,makakabuti kung regular ninyong lalagyan ng lubricant o i-spray-an ng wax ang inyong kadena. Ito ay mabisa para hindi mag kadikit-dikit ang mga magkakatabing parte.
Hi!LMC Sana ay ligtas at nakaahon na kayo mula sa baha.Dahil basa pa rin ang ilang kalsada,gumamit ng gulong na mas marami o malaki ang grooves o yung guhit-guhit na nakaukit na disenyo.Mas nakalalabas kasi ang tubig dito na tumutulong para maging makapit sa basang daan ang inyong gulong.
Nag uulan ngayon. Doble ingat po dahil madulas ang kalsada at mas mahirap visibility. Mas bagalan patakbo. Wear safety gears at syempre kapote. Mas mahirap magkasakit.