Paalala: Don't use sub standard helmet for your head protection.
May aksidente kaninang umaga sa may Crossing Calamba, mga around 10am siguro yon, after lang ng tulay, halos tapat ng Meralco. Patay ang rider ng blue Yamaha Vega Force, naka-riding jacket na red, maong pants pero tingin ko don sa helmet nya, yung Index na half-face na may face shield, kulay gray/silver. Nabangga ng Green Star na bus pero 'di naman daw yata nagulungan sabi sa 'kin nung traffic enforcer, napasama ang hataw ng ulo sa pavement, sintido ang unang humataw sa semento, nagkalat ang dugo sa kalye kanina, 'di ko na napicturan kasi medyo 'di magandang tingnan.
Ingat ingat po tayo sa kakalsadahan ngayon, kahit 'di mabilis ang takbo, hindi pa rin tayo ligtas sa aksidente, gaya ng nangyari kanina don sa Crossing, 'di ka naman makakapagmabilis sa lugar na yon sa ganong oras. Doble ingat po tayo. Pray before we ride.