Hi LMC!Alam niyo ba na maliban sa nakaka-pogi ang shades sa biyahe,nakatutulong din ito para makaligtas sa aksidente sa kalye dahil dagdag proteksyon ito sa alikabok at bubog na makakahassle sa pagtingin ninyo sa daan.Ingat sa biyahe,LMC
Napapansin niyo bang hindi maganda ang takbo ng inyong motor kung pababa ng lansangan o dumadaan sa kurbadong daan? huminto habang maaga pa,i check muna ang gulong kung flat o kung hindi maayos ang pag-adjust sa suspension,bago kayo magpatuloy sa biyahe!
Mas comportable ang ride kung tamang pressure ng hangin sa gulong. Pagkatapos ko kasi magpavulcanize diretso andar sa pagmamadali. Sobrang tagtag eh kaya pala 52psi ang kinarga. Nakakaasar pa kasi nung sinundot ko pito para magbawas ng hangin saka ko lang naalala na may laway pala yun....
Kung kayo ay gumagamit ng chain drivetrain o kadena,makakabuti kung regular ninyong lalagyan ng lubricant o i-spray-an ng wax ang inyong kadena. Ito ay mabisa para hindi mag kadikit-dikit ang mga magkakatabing parte.